-- Advertisements --

Natukoy na ng PNP ang anim na e-sabong sites na ilegal na nag-ooperate.

Ito’y matapos na ilunsad ng PNP ang kanilang pinaigting na kampanya laban sa E-sabong kasunod ng kautusan ng Pangulong Duterte na itigil ang lahat ng operasyon ng naturang sugal.

Ayon kay PNP Spokesperson Col. Jean Fajarado, kasalukuyan nang nagsasagawa ng case build-up ang PNP Anti-Cybercrime group upang tuluyang makasuhan at maipasara ang mga ito.

Inamin ni Fajarado na dahil sa internet ang operasyon ng mga ito, mas mahirap habulin ang mga operator nito kumpara sa mga ordinaryong betting stations, at maaring abutin ng dalawang linggo bago tuluyang maipasara ang mga ito.

Tuloy- tuloy din aniya ang ginagawang spot inspection ng mga Police commanders sa mga gadget ng kanilang mga tauhan, alinsunod sa pagbabawal sa mga pulis na maglaro ng E-sabong o anumang sugal.

Ayon kay Fajardo, walong pulis na ang nasampahan ng administratibo at kriminal na kaso, kung saan isa ang na-dismiss sa serbisyo kaugnay ng ilegal na sugal.