-- Advertisements --
Nailigtas ang anim na babae sa isang massage spa na nag-aalok ng extra service sa Tandang Sora Ave., Quezon City.
Naaresto rin sa operasyon ang manager ng spa na si Rufilyn Tabac.
Sinabi ni Quezon City Police District (QCPD) Director Brig. General Ronnie Montejo, na isinagawa nila ang raid matapos na makumpirma na may prostitusyong ngaganap sa lugar.
Inihahanda na ang kaso laban sa may-ari ng spa habang ipinasakamay sa Quezon City Social Service Development Department ang mga babae.