CAUAYAN CITY- Sinampahan ng kasong 2 counts of statutory rape ang tricycle driver matapos nitong pagsamantalahan ang batang kapitbahay sa Cauayan City.
Ang suspek ay itinago sa pangalang “Asiong,” may asawa, tricycle driver habang ang kanyang biktima ay tinawag sa pangalang “Angel,” 6, at kapwa residente ng Poblacion, Cauayan City.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Capt. Esem Galiza, Chief ng Women and Children Protection Desk ng Cauayan City Police Station, sinabi niya na ang unang ginahasa ng suspek ang bata ay December 2019.
Anya, sinalaysay ng bata na siya ay hinila ng tricycle driver sa loob ng bahay nito at pinaghahawakan sa kanyang dibdib at ipinasok ang daliri sa maselang bahagi ng katawan.
Matapos nito ay binigyan ang batang biktima ng P20 upang hindi magsumbong.
Nasundan ang panghahalay ng tricycle driver sa bata noong nakaraang buwan ng Pebrero at ipinasok na ng suspek ang ari nito sa maselang bahagi ng katawan ng bata.
Ayon kay Capt Galiza, ngayong Marso ay nagsumbong ang bata sa kanyang magulang na agad sinamahan sa himpilan ng pulisya.
Agad namang ipinasuri ang naturang bata sa pagamutan at matapos nito ay kinausap ng pulisya ang mga magulang ng biktima para sa pagsasampa ng kaso laban sa suspek .
Dahil sa 6-anyos na mas mababa sa 9-anyos ay two counts of statutory rape ang isinampang kaso ng pulisya laban sa suspek.