-- Advertisements --
Screenshot 2020 08 22 09 57 40

CAGAYAN DE ORO CITY – Nakahanda na ang mamamayan ng isang barangay ng lungsod na suportahan ang gagawing Dugong Bombo New Normal Blood Letting Project ng Bombo Radyo Philippines ngayong araw.

Ayon kay Barangay 24 Capt. Milagros Floirendo, pinaghahandaan ng kaniyang mga tauhan ang nasabing aktibidad kaagapay ang Philippine Red Cross (PRC) at local govt unit nang Cagayan de Oro.

Gagawin ang ikalimang round ng blood letting project sa covered court ng Brgy. 24 ng naturang lungsod.

Una nang tiniyak ni PRC Mindanao Blood Manager Dra Christina Pelaez na ligtas ang lahat ng magiging dadalo sa nasabing proyekto sapagkat kanilang ipapatupad ang mahigpit na minimum health standards.