-- Advertisements --
image 254

Pinalaya ng Bureau of Corrections (BuCor) ngayong araw ang nasa 580 persons deprived of liberty (PDLs) mula sa iba’t ibang piitan at penal farms bilang bahagi ng nagpapatuloy na kampaniya ng gobyerno para ma-decongest ang mga piitan sa bansa.

Ayon sa ahensiya, nasa 168 na preso ang mula sa New Bilibid Prison (NBP) kung saan nasa 123 mula sa maximum security prison at 2 mula sa minimum security prison.

Base pa sa datos ng BuCor na nasa 159 inmates ang mula sa Davao Prison at Penal farm habang nasa 46 mula sa Correctional Institute of Women.

Samantala, iniulat din ng BuCor na nasa 353 PDLs ang napalaya sa pamamagitan ng parole, 102 ang naisilbi na ang kanilang sentensiya na mayroong good conduct time allowance (GCTA) at 61 naman ang naabswelto sa kanilang kaso.