-- Advertisements --

Nasa 57 private schools ang nagnanais na lumahok sa isasagawang pilot implementation ng limited face to face classes para sa mga pampribadong paaralan.

Sa isang pahayag sinabi ni DepEd Director Malcolm Garma na hindi pa pinal kung alin ang mga paaralan ang papayagan na makilahok sa isasagawang face to face learning.

Aniya, sasailalim ang mga ito sa evaluation at tanging 20 private schools lamang ang mapipiling mapayagan na maging bahagi ng sa implementasyon ng limited face to face classes sa darating na Nobyembre 22.

Dagdag pa niya, sa darating na Nobyembre 12 ilalabas ng Department of Education ang listahan ng 12 pang mga paaralan ang kukumpleto sa mga 20 private schools na makikiisa dito.

Sa kasalukuyan ay nakumpleto na ng DepEd ang 100 public schools na mapapayagan na makibahagi sa ipatutupad na pilot implementation sa limited face to face classes sa ilang lalawigan sa bansa sadarating na Nobyembre 15. (Marlene Padiernos)