-- Advertisements --

BOMBO DAGUPAN- Nasawi ang 57-anyos na lalaki matapos itong masagasaan ng isang forward truck sa Sitio Socony, Brgy. Salasa sa sa bayan ng Bugallon, Pangasinan.

Ayon kay PMAJ. Ramsey Ganaban, Officer-In-Charge ng Bugallon Police Station, nakunan ng isang CCTV footage ang pagkasagasa sa isang indibidwal ng isang forward truck closed van habang ito ay patawid sa highway sa naturang lugar.

Ang biktima ay isang fishpond caretaker at residente ng nasabing lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, patungo ang naturang sasakyan sa timog na bahagi papuntang hilaga direksyon at nang marating nito ang pinangyarihan ng insidente ay nabangga ito sa kalagitnaan ng kaniyang pagtawid.

Nagtamo ng sugat ang biktima at sinubukan pa itong dalhin sa pagamutan ngunit hindi pa rin nagawang maisalba ang kaniyang buhay.