Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng panibagong 564 na karagdagang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Nasa ika-siyam na araw na ngayon na mas mababa pa sa 1,000 ang naitatala.
Umaabot na rin sa 2,833,473 ang mga dinapuan ng virus sa bansa.
Samantala mayroon namang naitalang 694 na gumaling.
Mula noong nakaraang taon nasa 2,769,533 na ang mga nakarekober.
Habang bumaba sa 40 ang nadagdag na mga pumanaw.
Sa kabuuan ang death toll sa bansa ay umaabot na sa 48,752.
Sa ngayon meron pang 5,188 na mga aktibong kaso.
“Ayon sa pinakahuling ulat, 2 mga laboratoryo ang hindi operational noong November 30, 2021 habang mayroong 3 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS),” bahagi pa ng DOH advisory. “Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 5 labs na ito ay humigit kumulang 0.9% sa lahat ng samples na naitest at 0.3% sa lahat ng positibong mga indibidwal.”