-- Advertisements --
Pumalo na sa 55 katao ang nasawi sa malawakang pagbaha sa Nepal.
Ilang libong residente ng Katmandu ang nawalan ng tahanan habang marami ang nawawala sa naganap na flash floods at landslides.
Ayon sa Home Ministry, na mayroong 33 ang nasugatan at 30 ang nawawala.
Mula pa kasi noong Huwebes ay walang humpay na pag-ulan ang naranasan sa nasabing lugar.
Pansamantalang nanirahan sa mga paaralan at ilang pang-gobyernong gusali ang mga nawalan ng bahay.