-- Advertisements --

Patay ang nasa 51 katao sa missile strike ng Russia sa Kupiansk, Ukraine.

Ayon kay Ukrainian Interior Minister Ihor Klymenko na tinamaan ang isang grocery store kaya marami ang nasawi.

Maaring dumami pa ang bilang ng mga nasawi dahil bukod sa mga sugatang itinakbo sa pagamutan ay may ilang mga natabunan sa mga gusaling gumuho.

Itinuturing na ito na ang pinakamatinding missile strike ng Russia sa civilian population ng Ukraine mula ng maganap ang atake sa Kramatorks railway station noong 2022.

Tinawag ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na ang insidente bilang terrorist attack dahil sa maraming mga sibilyan ang nasawi.