-- Advertisements --

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng panibagong 2,202 na mga nadagdag na nahawa dahil sa COVID-19.

Ito na ang ikaapat na araw na ang daily cases na tinamaan ng infections ay mas mababa sa 3,000.

Sa naturang mga bagong kaso ang 720 ay nagmula sa Metro Manila.

Meron namang 24,493 pa ang mga aktibong kaso sa buong bansa.

Sa kabila nito merong panibagong nadagdag na 51 na mga nasawi.

Ang kabuuang mga namatay dahil sa deadly virus ay nasa 62,062 na.

Sa nakalipas na linggo ang DOH ay nakapagberipika rin ng 354 na mga namatay bunsod ng COVID-19.

Ang death toll noong nakaraang linggo ang highest sa loob ng 21 weeks.

Ang pagbilang ng DOH ay matapos ang naantalang death informations.

Lumalabas din sa record na sa loob ng magkasunod ng apat na linggo ang nakumpirma na sa kada linggo ay may naitalang mahigit 200 fatalities.

Samantala, napansin naman na ang coronavirus infections sa Mindanao ay nagpapakita ng senyales na may plateauing.

Ang Visayas ay nasa plateau, habang ang iba pang bahagi ng bansa ay nasa downward trend ang bilang ng mga nahahawa.