-- Advertisements --

Nanganganib na mawalan ng trabaho ang nasa 50,000 Pinoy seaferers na kasalukuyang crew ng European Union flagged vessels.

Ito ay kung sakaling mabigong makapag-comply ang Pilipinas sa International Convention on Standards of Training, Certification and Watchkeeping for Seafarers (STCW Convention).

Ito ang ibinunyag sa pagdinig ng House committee on overseas workers affairs.

Naipaalam sa committee na ang final evaluation ng European Maritime Safety Agency (Emsa) sa STCW compliance ng bansa ay nakatakda sa Nobiyembre kung saan nanganganib na i-withdraw ng EU panel ang pagkilala nito sa qualifications ng Filipino seaferers na ipapadala bilang mga officer sa European vessels kung hindi pa rin mareresolba ang naturang isyu na kanilang idinulog ilang taon na rin ang nakalilipas.

Ang deployment ng mga Pinoy seaferers sa Europe ay awtomatikong matitigil kung hindi pa rin makapag-comply ang bansa sa susunod na buwan habang ang mga seaferers naman na kasalukuyang nakadeploy sa EU-flag ships ay papayagan pa rin na magtrabaho hanggang sa magpaso ang kanilang STCW certificates.