-- Advertisements --

Bunsod ng tumaas na demand ng face masks dahil sa coronavirus disease (COVID-19) isang tanggapan sa ilalim ng Department of Science and Technology (DOST) ang nangakong tutugon sa pangangailangan na ito ng publiko.

Ayon kay DOST Sec. Fortunato de la Peña, nagsanib pwersa ang kanilang Philippine Textile Research Institute (PTRI); Taytay, Rizal local government unit at pribadong sektor para makapag-produce ng 500,000 reusable face masks.

“Will produce 500,000 reusable face masks (up to 50 times). It will use a PTRI textile-coating technology for treatment and finishing. It will also collaborate with the Power Fashion Inc. to produce masks using local fiber textiles which will be donated by the latter.”

Sa isang panayam sinabi ng PTRI na gagamit sila ng water-repellent finishing sa face masks, na siyang tatahiin ng Power Fashion Inc. — isang kompanya sa Taytay na kilalang manufacturer ng garment sa mga local brands.

Dadaan daw sa treatment sa PTRI office ang face masks, para pwedeng magamit ng hanggang 50-beses dahil magiging washable umano ito.

Sa ngayon isinasapinal pa raw ng ahensya at mga grupo ang arrangement ng produksyon dahil sa umiiral na lockdown sa Luzon.