-- Advertisements --

Ibinida ni Department of Labor and Employment (DOLE) Sec. Silvestre Bello III ang malaking bilang ng Pinoy workers na na-regular sa trabaho sa nakalipas na mga taon.

Sa pagharap ni Bello sa budget hearing ng House Committee on Appropriations, inamin nito na malaki ang naging impluwensya ng pangakong regularisasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte para tuluyang mawakasan ang contractualization sa bansa.

Batay sa datos ng DOLE, higit 500,000 ang na-regular mula 2016.

Pero 65-percent ng mga na-regular ay kusang pinromote ng kanilang employers.

Sa kabila nito, aminado ang kalihim na marami pang kailangan gawin ang DOLE para masunod ng mga kompanya ang utos na pagre-regular sa mga empleyado nito.

Kamakailan nang lagdaan ng pangulo ang Anti-Endo Bill pero hindi kumbinsido ang mga mambabatas sa nilalamang probisoyn nito kaya ilang kongresista at senador ang humahamon na muli itong isailalim sa review.