-- Advertisements --
Pinangunahan ni French President Emmanuel Macron ang paglulunsad ng 500 days countdown sa 2024 Paris Olympics.
Pagtitiyak nito na isang hindi makakalimutang sporting events ito lalo na at sila ang host.
Ibinahagi din nito ang kanilang ginagawang paghahanda kasama ang iba’t-ibang ahensiya mula sa France.
Isa rin na ipinagmamalaki nito ay malapit na nilang malinisan ang River Seine na tinaguriang “most romantic river” sa buong mundo.
Aabot aniya sa 1.4 bilyon-euro o katumbas ng mahigit P82.5-B ang gagamitin nilang pondo para sa nasabing sporting event.
Sa nasabing ilog din ay balak nilang doon gawin ang ilang Olympic events gaya ng 10 kilometer swimming marathon na nagawa na noon pang 1900.