-- Advertisements --

Pinaigting pa ng lokal na pamahalaan ng Pasay City at mga otoridad ang pagpapatupad ng health protocols sa kabila nang nagpapatuloy na pagtaas ng coronavirus cases.

Umabot ng 448 vurfew violators ang nahuli ng mga otoridad.

Ayon kay city police chief Col. Cesar Paday-os, karamihan umano sa mga nahuli ay tumanggi na alam nila ang bagong patakaran ng curfew.

Marami pa rin daw ang nagpapalusot kahit alam naman talaga ng mga ito ang bagong curfew na pinatutupad. Hindi pa rin daw sila mapagsabihan na huwag munang lumabas ng bahay kung gagala lang naman at walang importanteng dahilan.

Hinikayat naman ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano ang kaniyang mga nasasakupan na sumunod sa minimum health standards at iba pang ordinansa upang kontrolin ang lalo pang pagkalat ng nakamamatay na virus.

-- Advertisement --

Sa ngayon ay mayroong 823 active Covid-19 cases sa lungsod at 8,482 recoveries.

Ang mga first time offenders ay ililista muna sa barangay blotter.

Para naman sa secod offense, ang sinumang lalabag ay pagmumultahin ng P1,000 habang ang ikatlong at succeeding offenses naman ay pagbabayarin ng P5,000.

Ang lahat naman nang inaresto ay bibigyan ng citation tickets na inisyu ng Office of the City Treasurer at kailangang magbayad sa loob ng 24 oras.