-- Advertisements --
oil spill1 2

Nakatanggap ang CALABARZON ng 500 boxes ng absorbent pads para sa posibilidad ng pagsasagawa ng oil spill cleanup, dala pa rin ng pagtaob ng isang bangkang pangisda na naglalaman ng mahigit 70,000 na litro ng diesel.

Galing ang mga nasabing pads sa Department of Environment and Natural Resources-Calabarzon.

Agad namang ipinasakamay ng RDRRMC 4A ang mga nasabing kagamitan sa Phil Coast Guard na nakabase sa Batangas.

Maliban sa Batanggas, plano rin ng DENR na magbigay ng karagdagang absorbent pads sa iba pang mga probinsya ng CALABARZON na una nang binalaan sa posibilidad ng oil spill.

Una nang pinaalalahanan ng Phil Coast Guard ang mga bayan malapit sa Calatagan Batangas na maging mapagmatyag sa posibilidad ng oil spill, simula nang lumubog ang bankang pangisda

Agosto-27 nang unang napaulat ang paglubog ng bankang pangisda na ANITA DJ II sa bahagi ng Calatagan, na patungo sana sa Palawan.

Itinuturong isa sa mga dahilan ng paglubog ng naturang banka ay ang masamang panahon na nararanasan sa lugar.