-- Advertisements --

Aabot sa 500 kabahayan ang natupok sa nangyaring malaking sunog sa Port Area Manila.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) gawa sa mga light materials ang nasunog na bahay kung saan itinaas pa sa ikatlong alarma ang sunog.

Umabot sa halos apat na oras bago tuluyang naapula ng BFP ang nasabing sunog.

Inaalam pa ng BFP ang sanhi ng malaking sunog sa Pier 15.