-- Advertisements --
BuCor1

Target ng Bureau of Corrections (BuCor) na mapalaya ang nasa 500 hanggang 700 inmates bago matapos ang taong 2022 mula sa mga piitan at penal farms sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Ayon kay BuCor officer-in-charge Gregorio Catapang na nasa minimum na 300 hanggang 500 inmates ang planong palayain subalit kung nilalayon aniya na mapalaya bago mag-Pasko o mag-bagong taon ang nasa 500 hanggang 700 inmates.

Layon din ng bureau na mapalaya na ang mga matatandang persons deprived of liberty (PDLs).

Saad ni Catapang na mayroon aniyang batas para sa mga bilanggo na nakaabot ng 70 taong gulang ay maaaring mag-apply para sa parole o clemency. Inamin din nito na marami ng mga inmates ang nakaabot sa edad na 65 hanggang 70 pataas at planong i-apply ang mga ito sa naturang clemency o parole.