-- Advertisements --

Nasa 50 protesters ang inaresto sa New York matapos na makasagupa nila ang mga kapulisan.

Ayon sa mga kapulisan na karamihang naaresto ay dahil sa paglabag sa ipinapatupad na kaayusan sa lugar.

Kasabay din nito nagsagawa rin ng peaceful protest sa Washington Square Park sa New York.

Ipinagsisigawan nila ang pagbilang ng boto kasunod sa alegasyon ni US President Donald Trump na nagkaroon ng dayaan sa halalan sa ilang estado.

Nagpakalat naman si Oregon Governor Kate Brown ng National Guard para pigilan ang nagaganap na riot.

Pinagsisira kasi ng mga rioters ang maraming bintana ng mga gusali at nanawagan ng dapat mabilang ang lahat ng boto.