-- Advertisements --

Na-rescue ng pamahalaan ang 50 mga Pinoy sa Cambodia na biktima ng illegal recruitment sa pamamagitan ng online scamming at catfishing activity.

Sa ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA), inaasikaso na ng Philippine Embassy sa Phnom Penh ang mga na-rescue na individual matapos ang coordination sa mga local authorities.

Noong 2021, 61 overseas Filipino workers (OFWs) din ang nailigtas sa parehong dahilan.

Hindi na nagbigay ng karagdagang impormasyon ang ahensiya sa kaso ng mga nasagip na OFW ngunit binalaan nito ang mga Pilipino sa Cambodia na “huwag tumanggap ng mga online na alok sa trabaho na nangangako ng malaking suweldo ngunit may mga hindi na-verify na kumpanya at hindi malinaw na mga detalye ng trabaho.”

Kamakailan, idinagdag ng kagawaran, nakipag-ugnayan na ang Philippine Embassy sa Philippine Overseas Employment Administration at Overseas Workers Welfare Administration, na naging dahilan din ng pagsuspinde ng direct hire application para sa business processing sector sa Cambodia.

Iyon ay ginawa para masugpo ang illegal recruitment ng mga Pilipino para sa Cambodia.

Top