-- Advertisements --
Sugatan ang 2 katao matapos ang pagsiklab ng sunog sa residential areas sa lungsod ng Paranaque.
Umabot pa sa ikaapat na alarma ang sunog sa Barangay San Isidro kung saan natupok ang nasa 50 kabahayan.
Nagsimula ang sunog pasado ala-una ng umaga at ito ay umabot pa ng ikaapat na alarma at mahigit 3 oras ito bago tuluyang naapula.
Nahirapan ang mga bumbero na apulahin ang sunog dahil sa pagkakadikit ng mga kabahayan.
Karamihan sa mga nasunugan ay walang mga gamit na nailigtas dahil sa kasagsagan ng kanilang tulog.
Inaalam pa rin ng mga otoridad ang sanhi ng insidente.