-- Advertisements --

Nasa 50,000 na trabaho ang nakalaan sa gagawing job fair ng Department of Labor and |Employment (DOLE) sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Magsisimula ito sa Disyembre 4 sa Legazpi, Albay, na susundan sa Bacnotan, La Union at San Pedro City, Laguna sa Disyembre 5 habang sa San Nicolas, Ilocos Norte naman sa Disyembre 9.

Gaganapin naman ang job fair sa Alaminos City, Pangasinan sa Disyembre 11 at sa Dagupan City naman ay sa Disyembre 16.

Pinakamaraming trabaho dito ay mula sa construction gaya ng karpintero, steelman at mason.

Kabilang din ang nasa 20,000 trabaho sa ibang bansa partikular na sa Middle East, Russia, Japan at New Zealand.