Pinaghahandaan na ngayon ng pamunuan ng Cebu Southbus terminal (CSBT) ang pagdagsa ng mga pasaherong uuwi sa kani-kanilang probinsiya ngayong weekend dahil sa nalalapit na pagdiriwang ng Undas.
Inaasahang aabot sa 50,000 na mga pasahero ang dadagsa sa terminal simula bukas, Oktubre 28.
Nauna nang ipinag-utos ni Cebu Governor Gwen Garcia sa mga drivers at konduktor ng provincial-owned terminal na dapat malinis at mag-ayos ang mga ito habang nagtatrabaho.
Siniguro naman pamunuan ng terminal na sapat at may masasakyan ang mga pasahero kung saan ipapakalat ang 500 buses.
Dahil dito, magkakaroon ng 24/7 na operasyon ang terminal.
Hinikayat din ang mga pasahero na magdala lang ng magaan na bagahe at ipinagbabawal ang pagdala ng mga alagang hayop, tulad ng mga aso at pusa, maliban kung ang mga ito ay inilagay sa isang hawla.