NAGA CITY – Nakaalerto na ang pulisya sa Bicol region kasunod ng pagsasara ng 15-day deadline ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsuko ng mga napalayang heinous crime concvicts dahil sa good conduct time allowance (GCTA) law.
Ito ang tugon sa Bombo Radyo ni police Maj. Malu Calubaquib, tagapagsalita ng Police Regional Office-5.
Ayon sa opisyal, sisimulan na rin ng kanilang hanay ang pagtugis sa 51 freed convicts mula sa rehiyon.
Batay sa ulat, mula 76 released convicts mula Bicol, ay 24 pa lang ang sumusuko.
Ilan daw sa mga nananatiling pugante ay residente ng Sorsogon, Albay, Masbate at Camarines Sur.
Una ng itinurn-over ng pulisya sa Bureau of Corrections ang dalawang convict ng boluntaryon sumuko.
Samantalang ang iba ay nasa kustodiya pa ng pulisya.