-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Nauwi sa trahedya ang pagpapakain ng tiyuhin ng fish ball sa kanyang limang taong gulang na pamangkin na babae nang ito ay mabulunan at maging sanhi ng pagkamatay ng bata sa Brgy. Daja Norte, Banga, Aklan.

Ayon sa ina ng bata na tumangging magpabanggit ng pangalan, habang umiinom ng alak ang kapatid na lalaki ay ginawang pulutan nito ang biniling fish ball sa kanilang kapitbahay.

Humingi umano ang bata, subalit naparami ang kanyang subo dahilan na nabulunan, kung saan, nakita na lamang itong nangingitim ang mukha at hirap nang huminga.

Isinugod pa nila sa Aklan Provincial Hospital ang bata pero idineklara nang dead on arrival.