-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Sa selda ang bagsak ng limang lalaki na umanoy fixers ng Land Transfortaion Office(LTO) GenSan matapos na hinuli ng mga otoridad nang maaktuhan na nagpustahan habang nanonood ng online sabong.

Kinilala ang mga nahuli na sina Ryan Jay Mascariñas, 34, at Gomez Mindani, 51, mga residente ng Brgy. Apopong GenSan; Ibrahim Nandu, 38, taga Brgy. Lagao; Reymundo Felisilda, 39, residente ng Brgy. Calumpang at Gene Balboa, 42, naninirahan sa Brgy. Labangal sa lungsod.

Naaktuhan ang mga ito ng tauhan ng Pendatun Police Station habang nanonood ng online sabong at nagpupustahan sa harap mismo ng LTO Gensan Office sa City Hall Drive, Brgy. Dadiangas, East Gensan.

Habang nasa kulungan, itinanggi ng mga ito na sila ay nagpupustahan dahil una wala silang pinanood na online sabong dahil mga keypad naman ang kanilang cellphone.