-- Advertisements --
RICE

Isinasapinal na ang 5 taong rice cooperation agreement sa pagitan ng Pilipinas at Vietnam para matiyak ang seguridad sa pagkain at agricultural production.

Kinumpirma ito ni Vietnamese Prime Minister Pham Minh Chinh kung saan tiniyak din ng lider kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanilang bilateral meeting sa sidelines ng ASEAN Summit na nakahanda ang kanilang bansa na tulungan ang Pilipinas.

Sinabi din ng Vietnamese PM na umaasa sila n magkaroon ng stable framework of cooperation sa rice trade sa loob ng 5 taon.

Sa pamamagitan nito masisiguro ang produksiyon at imports mula sa Vietnam.

Positibo naman si PBBM na papahintulutan ng Vietnamese counterpart nito ang pag-angkat ng PH ng bigas mula sa kanilang bansa dahil ang suplay sa pagkain aniya ang pangunahing isyu sa PH. Sa Asiya, nakasalalay aniya ang food supply sa bigas at mga presyo.

Pinasalamatan din ng Vietnamese leader ang Pilipinas para sa pagpapalawig pa ng ugnayan nito sa Vietnam sa ibang pang usapin gaya ng maritime security at hinikayat ang PH na ipagpatuloy pa ang palitan ng high-level visits sa Vietnam.

Noong nakalipas na taon, nag-angkat ng 3.7 million tonelada ng bigas ang Pilipinas kung saan humigit kumulang 90% nito ay inangkat mula sa Vietnam.