-- Advertisements --
Sugatan ang limang katao matapos na sila ay pagsasaksakin sa Rimini, Italy.
Kinabibilangan ito ng apat na babae at isang anim-na taong gulang bata ang sinaksak ng isang Somali asylum.
Tinanggal naman ng mga otoridad na may kinalaman sa terorismo ang nasabing insidente.
Isang 26-anyos na Somali ang suspek na ilang buwan pa lamang sa Italy at nag-apply na ng refugee status.
Taong 2015 pa ito sa Europe at nag-apply na ng refugee status sa mga bansang Denmark, Sweden, Germany at The Netherlands.
Inaalam pa ng mga otoridad ang motibo ng suspek sa pananaksak.










