Baguio City—Sugatan ang limang katao pagkatapos natumba ang sinasakyan nilang jeep sa Dungon, Camp 1, Kennon Road, Tuba, Benguet.

Naitakbo sa pagamutan ang mga sugatang pasahero at ang driver ng jeep na si Magellan Lang-ay Walsi, 44-anyos, at residente ng Calasipan, Atok, Benguet sa Rosario Emergency Hospital, Rosario, La Union.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, aabot sa 16 na pasahero ang sumakay sa jeep na nagmula sa Kalipayan, Barangay Camp 1, Tuba nang biglang nagkaaroon ng mechanical deffect o pagkasira ang nasabing jeep na dahilan ng pagkatumba nito.

Samantala, nasugatan din ang driver ng isang tricycle at ang pasahero nito pagkatapos na nawalan ng control ang driver sa Banangan, Sablan, Benguet.

Nasugatan ang ibat ibang parte ng katawan ng driver na si Julius Martinez, 35-anyos at ang pasahero nito na si Jerry Olanio, 53-anyos, at parehong residente ng Poblacion, Sablan, Benguet.