-- Advertisements --

Mayroong lima sa 10 mga kandidato sa pagkapangulo ang nagkumpirma ng kanilang pagdalo sa presidential debate na itinakda ng Commission on Election (COMELEC) sa Marso 19.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez na kinabibilngan ito nina Leody de Guzman, Isko Moreno Domagoso, Norberto Gonzales, Ping Lacson at Manny Pacquiao.

Ang nasabing mga kandidato sa pagkapangulo ay mayroong written commitment.

Habang hindi pa tiyak kung makakadalo sina Vice President Leni Robredo, Ferdinand Marcos Jr, Faisal Mangondato at Ernesto Abella.

Gaganapin sa Sofitel Philippine Plaza ang unang Presidential debate sa Marso 19 habang sa Marso 20 naman ang Vice Presidential debate at ang ikalawang presidential debate ay gaganapin sa Abril 3.