-- Advertisements --

imeg5

Arestado ng mga tauhan ng PNP IMEG ang limang pulis na sangkot sa pangingikil sa Zamboanga City.

Sa report na inilabas ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group, arestado sa entrapment operation ang Chief of Police at miyembro ng Police Station Drug Enforcement Unit at 4 nitong kasamahan.

Kinilala ni PNP IMEG Director Col. Thomas Frias ang mga naaresto na sina PMaj Orlyn Leyte, Officer in Charge ng Station 9, Ayala, Zamboanga City Police Station at apat na Police Non Commissioned Officers na miyembro rin ng Police Station Drug Enforcement Unit na nakilalalang sina PSSg Hegenio Salvador, PSSg Asser Abdulkadim, PCpl Ismael Sasapan at PCpl Juman Arabani.

Ayon kay Frias, huli sa aktong tumatanggap si Major Leyte ng P2, 000 boodle money mula sa complainant.

Nabatid na kasabwat naman nito ang apat na tauhan na nanghihingi ng pera kapalit ng hindi pagpuntirya sa mga nasa drug list.

Nahaharap ang mga pulis sa Robbery Extortion at Violation ng RA 3019 Anti-Graft and Corrupt Practices Act at RA 6713 Code of Conduct and Ethical Standard for Public Official and Employees.