Inilatag ng limang presidential aspirants ang kanilang plataporma sa forum kaninang umaga na inorganisa ng Kapisanan ng mga Broadcaster ng Pilipinas (KBP) kasama ang mga iba’t ibang media entity kasama na ang Bombo Radyo.
Sa Panata sa Bayan forum, nabigyan ng tig-limang minuto ang mga presidential aspirants para mailahad ang kanilang mga plano sa oras na sila ay mahalal sa pinakamataas na posisyon sa pamahalaan ng Pilipinas.
Si Manila City Mayor Isko Moreno ay nangakong tataasan ang budget para sa housing program pati na rin ang paglalagay ng 107,000 hospital beds sa unang 1,000 araw niya sa opisina.
Si Senator Panfilo Lacson ay nagsabing hahabulin niya ang mga incompetent, corrupt at walang disiplinang government workers para masawata ang korapsyon at ma-maximize ang resources ng bansa.
Nangako rin ang senador na wawakasan niya ang pag-aangkat ng mga produkto sa ibang mga bansa dahil ito ay kumikitil sa sektor ng agrikultura.
Para naman kay Senator Manny Pacquiao, isusulong niya ang one-gadget-per-student ratio pati na rin ang pagkakaroon ng renewable energy development.
Nang si Vice President Leni Robredo naman ang nabigyan nang pagkakataon na makapagsalita, nangangako siyang gawing doble ang budget para sa sektor ng agrikultura para matiyak ang food security, pati na rin ang pagkakaroon ng unemployment inssurance; suportahan ang in-city, on-city, at near-city housing porgams; at hahabulin din ang mga big-time drug traffickers.
Nangangako rin ang bise presidente na kung siya ang manalo sa halalan at maging ganap na pangulo ay susuportahan niya ang modernization program ng AFP.
Para naman sa labor leader na si Leody de Guzman, ang kanyang administration ay babawiin ang mga ninakaw na yaman ng pamilya Marcos, at magpapataw din siya ng 20 percent wealth tax sa top 500 richest Filipinos para mapondohan ang social services at tutulong din sa mga magsasaka at mangingisda para mapataas ang kanilang production.
Si Sen. Ferdinand Bongbong Marcos ay hindi naman nakadalo sa forum dahil sa conflict daw ito sa kanyang schedule.