-- Advertisements --

LAOAG CITY – Aabot sa limang PDL mual sa Ilocos Norte Provincial Jail (INPJ) ang maililipat sa New Bilibid Prison sa Muntilupa City ngayong buwan ng Enero.

Ito ang sinabi ni Jail Warden Benilda Sadiansa nasabing pasilidad.

Ayon kay Sadian, hinihintay na lamang nilang order mula sa Korte para sa pagbiyahe ng mga naturang PDL.

Sinabi pa nito na ang mga limang PDL at nahaharap sa kasong pagpatay dito sa lalawigan.

Samantala, sinabi ni Sadian na sa ngayon ay aabot sa 132 na PDL sa INPJ kung saan dalawa sa kanila ay babae.

Dagdag nito na karamihan sa mga PDL ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.