(Update) CAGAYAN DE ORO CITY – Hindi na nakaabot na buhay ang lima sa higit 20 kaanak na pawang taga-Tagoloan,Misamis Oriental sa kani-kanilang pamilya habang pabalik na sana mula sa pagdalo ng isang vigil ng kapanalig ng paniniwala sa Zamboanga del Sur.
Dead on the spot kasi ang hindi pa nakikilala na mga biktima dahil sa malagim na aksidente na kinasangkutan ng kanilang sinasakyang Bongo truck habang inaararo nito ang kasalubong na Fuzo fighter truck sa kahabaaan ng Zone 2,Barangay Agusan,Cagayan de Oro City kaninang madaling araw.
Sinabi sa Bombo Radyo ni Police Corporal Rodulfo Abaday,traffic investigator ng Cagayan de Oro City Police Office na kilala ang Fuzo driver na si Julieto Telen na taga-Brgy Tablon ng syudad kung saan kargado ng mga manok ang kanyang minamaneho na sasakyan.
Inihayag ni Abaday na tinangka umano ni Telen na mag-preno subalit nagtuloy-tuloy ang takbo ng bongo truck hanggang sa magkasalubong at nagdulot ng grabeng impact.
Kabilang sa mga nasawi ang mismong driver ng bongo truck na taga-Zamboanga rin habang apat sa mga sakay na biktima ay agad rin namatay.
Mabilis rin umiwas si Telen sa mga tao at boluntaryo isinuko ang sarili sa pulisya para harapin ang pangyayari.
Samantala,ang mga labi ng mga nasawi ay inaasikaso na habang ang ibang mga sugatan ay kasulukuyan pang nilalapatan ng medikasyon.
Inihanda na rin ang kasong reckless imprudence resulting into multiple homicide,serious multiple physical injuries ug damage to property laban sa binangga lang sana na Fuzo truck driver.