-- Advertisements --

(Update) CAGAYAN DE ORO CITY – Buo pa rin umano ang tiwala ng command group ng Police Regional Office 10 sa bagong provincial director ng Bukidnon Provincial Police Office sa kabila ng mga sunod-sunod na kaso ng patayan simula nang maupo sa katungkulan sa probinsya ng Bukidnon.

Pagtitiyak ito ni PRO 10 spokesperson Police Maj. Joann Navarro sa kabila ng ilang mga pagkuwestiyon ng mga personalidad kung bakit marami ang naitala na crime against persons sa probinsya sa loob ng panunungkulan ni Reyes.

Reaksyon ito ni Navarro sa pagtatanong ng Bombo Radyo kung buo pa ba ang tiwala ng PRO 10 Director Brig. Gen Lawrence Coop kung saan pinakahuli ay mayroong masaker na nangyari kung saan limang katao ang nasawi habang isa ang sugatan nang inatake ng hindi lumagpas ng anim katao na armado ng mga baril at itak sa isang lupain sa Sitio Kiabakat,Brgy Songco,Lantapan,Bukidnon.

Sinabi ng opisyal na bagamat na mayroong talagang ganito na pangyayari subalit hindi rin maitanggi ang overwhelming accomplishments ang nagawa ng kanilang itinagala na bagong provincial director.

Magugunitang dahil sa matinding bangayan ng lupa ay binaril at tinaga patay ang land owner na si Daniel Lugnasan kasama sina Rachel at Rocky Cruz,Winlove Sinto at isang menor de edad habang nasa kasagsagan ng kanilang pagtulog.

Tinutigis ng pulisya ang mga suspek na kinabilangan nila Julie Saway,pinuno ng grupo;Dindo at Elfredie Away (mga anak);Aban Calipao;Jerney Guinayon at isa pang John Doe na armado ng kalibre M-16 rifle,kalibre 45,9mm pistol at itak na ginamit pagpatay sa mga biktima noong Sabado ng gabi.