-- Advertisements --
Patay na ng maabutan ng mga bumbero ang limang katao sa isang residential building sa Rigga, Kuwait matapos lamunin ng apoy ang kanilang tinitirhan ayon sa Gulf state’s fire brigade nitong Linggo.
Ayon kay Brigadier General Mohammed al-Gharib, tagapagsalita ng fire brigade, ang apoy ay sumiklab sa dalawang apartment sa nasabing lugar. Tatlong katawan ang natagpuan sa lugar ng insidente, habang dalawa pa ang nasawi sa kanilang mga injuries sa ospital.
Marami ring mga tao ang nasugatan, at nagbigay babala si Gharib na maaaring tumaas pa ang bilang ng mga nasawi dahil sa kalubhaan ng ilang kanilang mga natamong paso.
Sa ngayon ay isinasagawa na ang isang imbestigasyon upang matukoy ang sanhi ng sunog.