-- Advertisements --

Patay ang limang katao sa banggaan ng tren at bus sa Slovakia.

Ayon sa emergency service ng nasabing bansa na pawang mga pasahero ng bus ang nasawi at walang nasawing pasahero ng EuroCity train.

Dinala naman sa pagamutan ang limang iba pa matapos na magtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan.

Nagtulong-tulong ang limang ambulansya sa lugar ng pinangyarihan sa Nové Zámky sa southern Slovakia.

Mula sa Prague, Czech Republic ang tren at patungo san asa Budapest, Hungary ng mangyari ang insidente.

Nagpaabot na rin ng pakikiramay si Slovakian President Peter Pellegrini sa mga biktima.

Patuloy na inaalam din ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing aksidente.