-- Advertisements --

Nasa limang sibilyan ang nasawi matapos ang pag-atake ng armadong kalalakihan sa dalawang lugar sa southeast Kenya.

Naganap ang insidente sa Juhudi at Salama sa Lamu County ang border ng Somalia.

Pinagsusunog ng mga suspek ang mga kabahayan ng residente doon at sinira ang mga makitang ari-arian.

Itinuturing ng mga kapulisan na isang uri ng terorista ang ginawang pag-aatake na ang itinuturing suspek ay mga al-Shabab group sa Somalia.