Bangladesh
Bangladesh Map

Nag-iwan ng mahigit 1,000 kabahayan na nasira ang bagyong Fani sa Bangladesh.

Nagdulot din ito ng malawakang pagbaha sa isang bayan na ikinasawi ng limang katao at ikinasugat ng 63 iba pa.

Ang nasabing bagyo ay bahagyang bumagal ng tumama sa bansa dahil ito ay nauna ng tumama sa India.

Ibinaba na ito sa tropical depression na mayroon lamang itong lakas na 70 kph.

Magugunitang umabot sa 16 ang patay ng nanalasa ang bagyong Fani sa India noong nakaraang linggo.