-- Advertisements --

Nadagdagan pa ang bilang ng mga lugar na isinasailalim ng pamahalaan sa Alert Level 1 restriction sa harap ng pandemya.

Ito ay matapos na aprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang rekomendasyon ng sub-Technical Working Group for Date Analytics na ibaba na rin ang alert level system ng iba pang lugar sa bansa.

Ipinahayag ni presidential spokesman Secretary Martin Andanar na ngayon ay nasa ilalim na ng Alert Level 1 ang mga sumusunod na lugar:

  • Nueva Vizcaya
  • Misamis Occidental
  • Talisay City, Cebu
  • Antipas, North Cotabato
  • at Banga, North Cotabato

Epektibo ngayong araw ang pagsasailalim sa Alert Level 1 sa mga nabanggit na lugar na magtatagal naman hanggang Mayo 15, 2022.