-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Nahuli ng Criminal Investigation and Detection Group Region 10 (CIDG-10) ang limang mga staff ng sinasabing investment scam group nang isagawa ang raid sa probinsya ng Bukidnon.

Kinilala ang mga nahuli na sina Emeliana Fernandez, Enie Oliquino, John Lister Pacunayen, Ojelyn Busbos at Merlyn Perez na pawang mga staff ng JA Mining Ventures.

Sinabi ni CIDG-10 reg. dir. Lt. Col. Reymund Liguden, ni-raid nila sa bisa ng search warrant ang JA Mining Ventures sa Malaybalay City, Valencia City at Maramag, Bukidnon.

Narekober sa loob ng mga opisina ang P612,903 cash, investment forms, acknowledgement receipts, computers, cellphones, printer, bill counter machine at mga dokumento na ginagamit sa iligal na aktibidad.

Nabatid na ang naturang investment scam ay pagmamay-ari ni Juanito Castro Ampong na nag-aalok daw ng 50% hanggang 100% na return of investment sa mga investors.