-- Advertisements --

SEOUL – Limang opisyal ng Daegu City local government unit sa South Korea ang nadagdag sa higit 1,000 ng kaso ng COVID-19 sa kanilang lungsod.

Dahil dito, ipinasara muna ng city government ang lahat ng kanilang establisyemento sa siyudad.

Habang pinag-work from home muna ang nasa daan-daang staff.

Ayon sa local health authorities, ipinasara muna para sa disinfection ang gusali ng headquarters ng city government construction dahil isa sa mga opisyal nito ang nag-tested positive.

Maging ang opisina ng Palgongsan Natural Park management office at headquarters ng urban railroad construction ay naka-shutdown din dahil sa tig-isang kaso na naitala sa kanila.

Positibo rin umano ang tatlong staff member ng deputy mayors office.

Batay sa latest count ng South Korean authorities nasa 1,595 na ang COVID-19 case sa kanilang bansa.

Pinakamarami sa mga ito ang mula sa Daegu City kung saan sinasabing nagmula ang outbreak sa South Korea.

May mga kaso na ring naitala sa capital city na Seoul at siyudad ng Busan./The Korean Herald