-- Advertisements --

Ibinunyag ng Philippine Statistics Authority (PSA)-7 na 5% ng mga kababaihan sa Central Visayas ang nakakaranas ng teenage pregnancy.

Batay sa 2022 National Demographic and Health Survey (NDHS),ang mga babaeng nasa edad 15 hanggang 19 sa rehiyon ay maagang nabuntis katulad ng national figure na 5 percent.

Sa isinagawang regional data dissemination forum kahapon, Hulyo 13, inihayag ni Philippine Statistics Authority chief statistical specialist Engr. Leopoldo Alfanta Jr.,na ang mga kababaihan na may edad 25 hanggang 49 anyos ay nagsimula ng kanilang unang pakikipagtalik sa median na edad na 21 anyos.

Iniulat din ni Alfanta na ang fertility rate ng kababaihan sa rehiyon ay bumaba mula 4.4 noong 1993 hanggang sa 2.0 noong 2022.

Ang kabuuang fertility rate ay ang average na bilang ng mga anak ng isang babae sa pagtatapos ng kanyang mga taon ng panganganak.

Batay sa national survey, ipinapakita na ang Central Visayas ay nasa ikaapat na pwesto kasama ang Eastern Visayas sa pagkakaroon ng pinakamababang fertility rate sa 2.0.