-- Advertisements --
Tuluyan nang ipinagbawal ang paggamit ng mga e-cigarettes at vape sa limang mga bansa sa South East Asia.
Kinabibilangan ito ng mga bansang Brunei, Cambodia, Laos, Singapore, at Thailand.
Sa panig ng Myanmar at Vietnam, nananatiling bukas ang paggamit ng e-cigarettes at vape dahil wala itong anumang regulasyon ukol dito.
Sa Pilipinas, Indonesia, at Malaysia, nananatili namang regulated ang paggamit sa dalawang uri ng produkto, batay sa edad ng gagamit, at lugar na pagbebentahan ng mga ito.
Ayon sa Southeast Asia Tobacco Control Alliance (SEATCA), patuloy silang umaapela sa limang natitirang bansa na kung hindi man ipagbawal ang paggamit, higpitan ang regulasyon sa paggamit ng mga ito.