-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Hustisya ang sigaw ng mga kaanak ng limang miyembro ng pamilya na binawian ng buhay matapos na mag-amok ang isang ex-covict sa bayan ng Tupi, South Cotabato.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Police Major Verlin Pampolina, mag-isang pinasok ng suspek na si Don Capion ang bahay ni Londina Magon at nagwala, na nagresulta sa pananaga nito.

Kinilala ni Major Pampolina ang ilang namatay na sina Jenel Capion, Dani Capion at isang siyam na taong gulang na bata na kinilala bilang Kyla. 

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na kaagad na lamang nito pinasok ang bahay at walang awang pinagtataga ang mukha ng siyam na taong gulang na bata at binaril si Jenel Capion gamit ang isang 12 gauge homemade shotgun. 

Nakahingi naman ng tulong ang isa sa mga biktima nang pananaga na siyang tatayong witness sa nasabing insidente. 

Nanlaban rin umano ang suspek sa mga otoridad kaya’t napatay din ito.

Pinaniniwalaang nawala sa tamang katinuan ang suspek kaya’t nagawa ang krimen.

Nuna nang nakulong na ang suspek sa South Cotabato Perovincial Jail noong 2015 at kamakailan lang nakalaya.