-- Advertisements --
Kinansela ng NBA ang limang laro matapos na dapuan ng COVID-19 ang ilang mga manlalaro.
Kabilang sa mga laro na kanselado ngayong araw ay ang Brooklyn Nets, Cleveland Cavaliers, Orlando Magic at Philadelphia 76ers.
Karamihan sa kanilang mga staff at manlalaro kasi ay dinapuan ng COVID-19.
Makakaharap kasi ng Nets ang Denver Nuggets habang ang Cavs ay makakalaban ang Atlanta Hawks ganun din ang paglalaro ng 76ers sa New Orleans Pelicans.
Kasamang ipinagpaliban ang laro ng Magic at Toronto Raptors ganun din ang Nets laban sa Washington Wizards.
Hindi naman binanggit ng NBA kung kailan itutuloy ang mga naantalang mga laro.