Nakakaranas ngayon ng missile strikes ang maraming kabisera ng Ukraine ilang araw lamang matapos ang pagpapasabog sa tulay na nagdurugtong sa Russia at sa itinuturing nitong annex na Crimea.
Kinumpirma naman ng Ukrainian official na aabot sa limang katao na ang napaulat na nasawi matapos ang apat na magkakasunod na Russian strikes na tumama sa capital ng Ukraine na Kyiv.
Ayon pa kay Anton Gerashchenko, adviser to Ukraine’s Minister of Internal Affairs, mayroong 12 katao ang sugatan sa naturang pag-atake na pawang mga sibilyan.
Tinamaan din ang critical infrastructures kabilang na ang power facilities sa Kharkiv, Lviv, Mykolaiv, Dnipropetrovsk at Sumy.
Sa parte ng southeastern ng Zaporizhzhia, may mga naitala ding casualties matapos ang missile strike ng Russia na tumama sa apartment block. Dosenang mga tao ang napatay at nasugatan sa pag-atake ng Russia sa residential buildings sa kabiseara sa nakalipas na linggo.
Una rito, inakusahan ni Russian President Vladimir Putin ang Ukraine na siyang nasa likod umano ng pag-ataek sa naturang tulay at tinawag nito isang “gawain ng terorismo”.
Sinabi pa ni Putin na tinarget ng intelligence force ng Ukraine na sirain ang kritikal at mahalagang parte ng civil infrastructure ng Russia.
Nakatakda namang pulungin ni Russian president ang kaniyang security council ngayong araw para talakayin ang nangyaring pagapapasabog sa tulay na ayon sa mga opisyal mayroong tatlong katao ang napatay sa pagsabog ng Kerch bridge noong nakalipas na araw ng Sabado.
Sinabi din ng head of the Investigative Committee ng Russia, Alexander Bastrykin na ang mamamayan ng Russia at ilang foreign states ay tumulong sa paghahanda para isagawa ang pag-atake.
-- Advertisements --