-- Advertisements --
BSP

Sinampahan na ng kasong kriminal ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at ng Philippine National Police (PNP) ang limang indibidwal na nag-post ng mga video sa social media ng kusang-loob na sinira at sinunog ang mga perang papel ng Pilipinas.

Sa isang pahayag, sinabi ng BSP na ang Payments and Currency Investigation Group nito at ang PNP Quezon City Police District-Anti-Cybercrime Team ang nagsampa ng mga kaso laban sa limang indibidwal sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Sinabi ng bangko sentral na ang mga indibidwal ay kinasuhan ng paglabag sa Presidential Decree (PD) No. 247, kaugnay ng Article 154 ng Revised Penal Code (RPC), as amended, at Republic Act (R.A.) No. 10175 o ang Cybercrime Prevention Act.

Ang PD No. 247 ay nagpaparusa sa sadyang defacement, mutilation, pagpunit, pagsunog, o pagsira ng pera ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagkakakulong ng hanggang limang taon at multa na hindi hihigit sa P20,000.00.

Samantala, sa ilalim ng Article 154 ng Revised Penal Code, gaya ng amyendahan, ang mga taong, sa anumang paraan ng publikasyon, ay naghihikayat sa pagsuway sa batas ay pinarurusahan ng pagkakulong at multa.

Magugunitang, pinunit ng social media influencer ang 20-peso bill sa isang video na nai-post online habang binutas ng isang magician ang 1000-peso bill gamit ang panulat, ginamit ng isang lalaki ang 50-peso bill bilang funnel sa pagbuhos ng langis sa makina ng motorsiklo, ang isa ay nag-staple ng 100-peso bill sa isang plastic rim ng basketball