-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang maglive-in partner sa Purok Uno, Victory Norte, Santiago City matapos maaktuhang nagtutulak ng iligal na droga.

Ang mga suspek ay sina Roniel Aquino, 32 anyos, negosyante, residente ng nasabing barangay at ang 25 anyos na live-in partner na residente ng Rosario, Santiago City.

Nalunsad ang pinagsanib na pwersa ng City Drug Enforcement Unit, Santiago City Police Office, Presinto Dos at Santiago Drug Enforcement Unit ng isang operasyon na nagresulta sa pagkakadakip ng mga suspek.

Agad na dinakip si Aquino matapos na positibong makabili ng isang pakete ng hinihinalang shabu ang police na poseur buyer kapalit ang boodle money.

Nasamsam rin sa pagiiingat ng mga suspek ang dalawa pang pakete ng hinihinalang shabu.

Natuklasan ng mga otoridad na nauna nang nasangkot sa illegal na droga ang dalawa ngunit nakalaya sa pamamagitan ng plea bargaining.

Bukod pa dito, natuklasang dati nang nasangkot sa kasong robbery si Aquino na kalaunay naabswelto at nakalaya.,
Samantala, tatlong katao kabilang ang isang barangay tanod ang inaresto rin sa isinagawang drug buybust operation sa Carreon Street, Purok 4, Centro East, Santiago City.

Ang mga nadakip ay sina Barangay Tanod Charels Alindada, apatnaput isang taong gulang residente ng centro East at 31 anyos na babae na residente ng Purok Uno, Centro West, Santiago City.
.
Kabilang din sa inaresto ay si Christopher Garcia, 28 anyos , walang trabaho at residente ng Barangay Rosario, Santiago City.

Una rito ay nakatanggap ng ulat ang mga otoridad na talamak na nagtutulak ng illegal na droga sina Alindada at Garcia sa Santiago City.

Dinakip ang mga suspek matapos na maaktuhang nagbebenta ng dalawang pakete ng hinihinalang Shabu sina Alindada at Garcia sa pulis na nagsilbing Poseur buyer kapalit ang tatlong libong pisong boodle money.

Nang kapkapan ng mga otoridad nakuha pa sa pag-iingat ni Alindada ang boodle money habang nakuha naman kay Del Rosario ang isa pang pakete ng hinihinalang shabu.

Dinala ang mga suspek sa Presinto Uno para sa kaukulang dokumentasyon habang hinahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 laban sa mga suspek na agad ipinasakamay sa Santiago City Custodial Facilty.